Isa sa mga tinitignan ng mga magulang sa mga nanliligaw sa kanilang anak na babae ay kung may ambisyon ang lalaki na nanliligaw. Ang paghahanap ng lalaking may ambisyon ay paghahanap ng isang taong hindi kontento sa kanyang kinatatayuan kung hindi naghahangad ng mas mataas na lugar sa lipunan. (Kaakibat dito siyempre ang paghahangad na kumita ng mas malaki sa hinaharap)
Sa ganitong pamamalakad sa lipunan, hindi katanggap-tanggap ang isang lalaking kontento sa kanyang kinalulugaran lalo na kung ang kanyang kinalulugaran ay hindi naman itinuturing na mataas kung ikumpara sa ibang kinalulugaran. Hindi rin katanggap-tanggap ang lalaking mababa lamang ang hinahangad para sa sarili sapagkat ito'y isang palatandaan ng pagiging kontento. Hindi rin katanggap-tanggap ang isang lalaking mabagal kumilos sa pag-angat ng kanyang katayuan.
Nababatid natin sa ganitong pagpapahalaga sa lalaking may ambisyon ang kaayusan sa lipunan kung saan may kinalulugaran na tinuturing na mas mataas kaysa sa ibang kinalulugaran at nababatid rin natin dito ang pagturing na natural sa isang taong naising umangat ang kanyang katayuan.
3 comments:
Matatagpuan din ba ito sa mga babae?
Hey Mr. President. Tingin ko hindi. In fact, the central tension of a professional woman's life is between career and family and large parts of society still expect women to stay at home. In fact the opposite might be true for women. Parents of men might prefer that the women their boys marry stay at home and frown upon women who are ambitious as it takes time away from their families. They especially frown upon women (and their ownboys) who are more ambitious than the men. We don't have the Japanese propensity for men to walk in front of their spouses but we do expect that their careers are more advanecd then their spouses. That's why we snigger when we say house husband.
Ah, that reminds me of husbands who are insecure of their wives' bigger paychecks. Nonetheless, I think that women with ambition are esteemed by their women peers.
Mr. President? I hope you'll still have the faculties to vote when I run for office. hehehe!
Post a Comment